Nais Ko

Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad
Kahit na isdang mumuntiin hangari'y lumangoy nang lumangoy
Nais kong lumangoy

Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay wala nang hangarin pang tunay
Nais ko nais ko nais ko

Nais kong maulit muli ang buhay
Kung may pagkakataon upang mamalas
Ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa
Ulit-ulitin pa ang buhay ko

Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han
Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad
Nais kong lumipad

Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan
Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan
Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang
Habang ako ay may buhay wala nang hangarin pang tunay
Nais ko nais ko

Nais kong maulit muli ang buhay
Kung may pagkakataon upang mamalas
Ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay
Nais kong maulit pa
Ulit-ulitin pa ang buhay ko
Nais kong mabuhay muli (nais ko)
Nais kong maulit muli (nais ko)
Ulitin muli ulitin muli paulit-ulit-ulit muli oh (nais ko ulitin paulit-ulit-ulit muli)
Ito ang nais ko oh (nais ko ulitin paulit-ulit-ulit muli)
Nais ko oh (nais ko ulitin paulit-ulit-ulit muli)
Ito ang nais ko

Curiosità sulla canzone Nais Ko di Basil Valdez

In quali album è stata rilasciata la canzone “Nais Ko” di Basil Valdez?
Basil Valdez ha rilasciato la canzone negli album “Ngayon at Kailanman” nel 1994 e “Basil” nel 2009.

Canzoni più popolari di Basil Valdez

Altri artisti di Asian pop