Di na Muling Mag-iisa

Noon akala ko'y sagabal lang ang pag-sinta
Sarili ang mundo't walang itinatanging iba
Ligaya ko'y nadarama sa 'king pag-iisa
Hanggang minsan sa buhay ko ay nasilayan ka

Tibok ng puso ko'y tuloy-tuloy sa pag-pintig
Sumisigaw sumasamong ako'y umiibig
Ang tanging pagliyag na 'di ko nais marinig
Unti-unting bumubukal sa tahimik kong daigdig

Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin
Ang diwa ko'y parang bituing naglalakbay man din
Gayon pa lang nalalasap kung may naglalambing
Ang araw at gabi'y parati nang nagniningning

Kailan pa ma'y hindi na iibigin pang muli
Ang mag-isa kahit paulit-ulit masawi
Sa 'yong piling ang puso ko'y laging nakangiti
Pag-ibig mo'y ligaya ko sa bawat sandali

Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin
Ang diwa ko'y parang bituing naglalakbay man din
Gayon pa lang nalalasap kung may naglalambing
Ang araw at gabi'y parati nang nagniningning

Habang buhay sa puso ko'y tanging ikaw sinta
Bawat saglit at sandali sa tuwina'y kay ganda
Sa hirap at ginhawa man laging magsasama
Ngayon at kailanma'y 'di na muling mag-iisa

Curiosità sulla canzone Di na Muling Mag-iisa di Basil Valdez

Quando è stata rilasciata la canzone “Di na Muling Mag-iisa” di Basil Valdez?
La canzone Di na Muling Mag-iisa è stata rilasciata nel 2019, nell’album “Best of Basil, Vol. 2”.

Canzoni più popolari di Basil Valdez

Altri artisti di Asian pop