Kahit Ako'y Lupa

Wag mong pagtakhan
Kung bakit ako'y sadyang ganito
Mababa man sa iyong tingin
Ngunit ako'y ako

Di ako ang kailanma'y tumitingala
At luluhod o hihingi ng awa
Kaya ko ang mundo kahit ako'y isang dukha
Ako'y ako pa rin
Kahit ako ay lupa

Wala akong taong binabathala
Na sasagabal sa taglay kong laya
Alam kong ngumiti alam ko rin ang lumuha
Basta't ako'y ako kahit ako ay lupa

Magbabago ang halos ay kahit ano
Magbabago ngunit kailanma'y di ako
Magbabago ang panahon sa pagtakbo
Ngunit hindi kailan pa man
Ang taglay kong paninindigan
Mababa man akong tingnan
Lupa at tapakan

Lupa man ngunit may pang-unawa
Sa katulad kong kaawa-awa
May pangarap akong hindi ninyo makukutya
Maging mapagmahal kahit ako ay lupa

Magbabago ang halos ay kahit ano
Magbabago ngunit kailanma'y di ako
Magbabago ang panahon sa pagtakbo
Ngunit hindi kailan pa man (kailan pa man)
Ang taglay kong paninindigan
Mababa man akong tingnan
Lupa at tapakan

Lupa man ngunit may pang unawa
Sa katulad kong kaawa-awa
May pangarap akong hindi ninyo makukutya
Maging mapagmahal kahit ako ay lupa
Maging mapagmahal kahit ako ay lupa

Curiosità sulla canzone Kahit Ako'y Lupa di Basil Valdez

Quando è stata rilasciata la canzone “Kahit Ako'y Lupa” di Basil Valdez?
La canzone Kahit Ako'y Lupa è stata rilasciata nel 2019, nell’album “Best of Basil, Vol. 2”.

Canzoni più popolari di Basil Valdez

Altri artisti di Asian pop