Nag-iisang Pangarap

Nag-iisang pangarap o kay hirap mahanap
Iba't ibang anyo sa isip kong naglalaro
Papalit-palit ka sa tuwina'y nawawala
Akala'y ikaw na ngunit 'di pa rin pala

Minsan natagpuan ka ng hindi sinasadya
Kakaibang tuwa biglang-bigla ang nadama
Payapang kay ganda ang bumalot sa aking diwa
Langit na ba sa lupa may bituin sa aking mata

Hindi man mahawakan dama sa kalooban
Liwanag sa dilim o kay ningning anong ningning
Anong laking galak ang maiiwan nang ganap
Sa puso kong hapo ikaw na pinapangarap
Saan ka man naroroon ikaw ay susundan
Hangga't di manahimik ang damdamin kong hiram

Langit na ba bituin sa aking mata
Anong laking galak kung maiiwan nang ganap
Aking dalangin iyong bigyang pansin
Makita kang ganap upang sa puso'y sambahin

Curiosità sulla canzone Nag-iisang Pangarap di Basil Valdez

Quando è stata rilasciata la canzone “Nag-iisang Pangarap” di Basil Valdez?
La canzone Nag-iisang Pangarap è stata rilasciata nel 2019, nell’album “Best of Basil, Vol. 2”.

Canzoni più popolari di Basil Valdez

Altri artisti di Asian pop