Panganay ng Umaga

Jose Ayala

Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

Mga burol at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo

Lawa ilog dagat
Lamig tamis alat
Ulan agos alon
Haplos sa pisingi ng panahon

Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy awit ng hangin
Sigaw ng buhawi hey

Ako'y tao lamang
Taga-bigay ng pangalan
Taga-sukat taga-bilang
Munting butil sa sanlibutan

Ang panganay ng umaga'y
Sumilip sa bintana
Ako'y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo

Curiosità sulla canzone Panganay ng Umaga di Joey Ayala

Chi ha composto la canzone “Panganay ng Umaga” di di Joey Ayala?
La canzone “Panganay ng Umaga” di di Joey Ayala è stata composta da Jose Ayala.

Canzoni più popolari di Joey Ayala

Altri artisti di Neofolk