Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena

Joey Ayala

Nag-iisang lumilipad ang langay-langayan
Anino n'ya'y tumatawid sa nanunuyong palayan
Tanging sagot sa sigaw n'ya ay katahimikan
At kaluskos ng hangin sa dahon

'Sang ikot pa huling sulyap mula sa ibabaw ng bayan
Mga kubong pinatatag ng nipa at kawayan
Paalam na paalam na ang awit ng langay-langayan
Ngunit walang nakasaksi sa palayo n'yang lutang

'Pagkat wala nang tao sa Sta Filomena
Walang aani sa alay ng lupa
Nakayuko ang palay tila bang nalulumbay
Tila bang naghihintay ng karit at ng kamay

Nahihinog ang bunga ng mga mangga't bayabas
Pinipitas ng hangin at sa lupa'y hinahampas
Sinisipsip ng araw ang tamis at katas
Iniiwan ang binhing umaasa

At pagdating ng tag-ulan sa pinaghasikan
Upang hugutin ang buhay mula sa kamatayan
Muling dadaloy ang dugo sa ugat ng parang
Subalit ang lahat na 'to'y masasayang

'Pagkat wala nang tao sa Sta Filomena
Walang aani sa alay ng lupa
Ang palay ay nakayuko tila bang sumusuko
Naghahandog ng buhay sa karit at kamao

Lumilipad sumisigaw ang langay-langayan
Nasaan ka at bakit ka nagtatago taumbayan
Panahon na panahon nang balikan ang iniwan
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan
Dinggin natin ang tangis ng abang langay-langayan

Curiosità sulla canzone Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena di Joey Ayala

Quando è stata rilasciata la canzone “Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena” di Joey Ayala?
La canzone Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena è stata rilasciata nel 1991, nell’album “Panganay Ng Umaga”.

Canzoni più popolari di Joey Ayala

Altri artisti di Neofolk