Nakita
Nakita kita aking sinta
Nakita kita aking mahal
Nakita kita o giliw ko
Pagsilip sa aking puso
Nariyan ka lang pala sinta
Nariyan ka lang pala mahal
Hindi ka pala nalalayo
Pagibig ay naririto
Ang puno'y nagkukubli
Sa gitna nitong binhi
Isang araw ay uusbong
Buhay na nakakulong
Pagibig minsa'y ganito
Tila bang nagtatago
Ngunit paglingo'y aba
O kay tayog na pala
Sa ugat lupa't bato
Patak ng ula'y nagtatagpo
Pagtipon ay tumatagos
Sang bukal umaagos
Pagibig minsa'y ganito
Tila bang kulang sa yo
Ngunit paglingon aba
Umaapaw na pala
Nakita kita
Nakita kita
Isang binhi at isa pa
Patak ng pawis sa uhaw
Isang haplos isang halik
Ang pagpungay pagtatangi
Nakita kita
Nakita kita
Nakita kita
Nakita kita