Sabi-sabi

Francesca Johnnae "Cesca" Chua Mahusay

usap-usapan nanaman tayong dalawa

meron na namang kumalat na balita,

sabi-sabi ng ating mga kaibigan

iba daw ang pagtingin ko sayo

parang ewan lang, diba?

puro bola ang mapapaala natin sa kanila

sensya na alam kong nakakailang,

di bale, wala kong gusto sa'yo

at kung mahulog man ay di ko masasabi

at kahit nais ko ay di ko kayang gawin

sabi-sabi ng iba bagay daw tayo

dati-rati ay parang bale wala lang ang mga tukso

at ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso na parang

mayroong nag iba sa pagtingin ko sayo

usap-usapan nanaman tayong dalawa

sana lang malaman ko anong ganap sa

iyong isipan, alam ko na kaibigan lang

ang pagtingin mo sa'kin ngayon

'di ako naiilang sa kanila, lam mo namang

sanay akong mapagtripan, pero

di ko rin masabing di ko napapag-isipan

ang pagtingin ko sayo

pasensya na't tahimik lang ako sa ganito

sana'y iyong madinig ang tibok ng puso ko

sabi-sabi ng iba bagay daw tayo

dati-rati ay parang bale wala lang ang mga tukso

at ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso na parang

mayroong nag iba, parang may nagbago

sa aking pagtingin

ano bang gagawin?

o sana'y di pansin

na ako ay umiibig, ooh

sabi-sabi ng iba bagay daw tayo

dati-rati ay parang bale wala lang ang mga tukso

at ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso na parang

mayroong nag iba sa ating pag ibig,

o mayroong nag iba sa aking pagtingin

Canzoni più popolari di Cesca

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)