Buti Na Lang
O buwan, pwede ko bang maitanong?
Ikaw na nga ba ang tanging sagot sa panalangin ko?
Alam kong hindi palaging kalma ang aking alon
O buwan, maaari ba'kong magpaalaga sa'yo?
Kung puwede lang naman, papakinggan
mo ba ang mga bagong kaganapan
sa aking araw, na tanging ikaw
ang pupuntahan para sa
Pahinga,
Pahinga,
alam kong di ako sanay ng may sinasandalan
pasensya na't kailangan mo pa akong turuan na mag
pahinga,
o sinta
ang dami kong paniniwalang nais limutan
At buti na lang dumating ka
O buwan, alam mo naman
kilalang-kilala mo ako
na ang aking tanging kahihiyan
ay ang humingi ng tulong
di namalayang ako'y nasanay
na laging ako ang bigay ng bigay
hirap naman akong magtanggap
salamat sa iyong mga yakap, aking
Pahinga,
pahinga
alam kong di ako sanay ng may sinasandalan
pasensya na't kailangan mo pa akong turuan na mag
pahinga,
o sinta
ang dami kong paniniwalang nais limutan
at buti na lang
Sa dalampasigan aking nasilayan
Ngiting natatangi, na hulog ng langit
sa pagsimoy ng hangin, ay muling nakapiling
Ang matamis na halik, nakakapanabik
sa atin ang balse ng dagat at buwan, balse ng gabi
kita ang iyong tala sa karagatang aking iniibig