Wala Na

MC Einstein

[Intro]
Haftway House, you know what I mean?

[Chorus]
Wala na 'yung ngiti (Yeah), wala na 'yung kilig (Yeah)
Wala nang magandang lumalabas sa 'ting bibig
Kasi wala na 'yung ngiti (Yeah), wala na 'yung kilig (Yeah)
Wala na nga lahat, wala kasing nakikinig
Gusto pang ayusin kaso tama nga na tama na (Tama na)
Alam naman na natin ang patutunguhan, awat na

[Verse 1]
Ako'y nagtataka pa rin
Bakit tayo magkagalit?
Buong araw na nga na 'di nag-uusap
Pa'no tayo magbabati? Yeah, yeah
Baka may gustong magbago, may pakialam ba tayo?
At mga ilang pangako pa kaya ang mapapako?
Paminsan-minsan na nga lang kung tayo'y maglambingan
Hindi na rin dama, para na lang napipilitan
Alam ko naman na alam mo rin
Sabihin mo kailan pa 'yung huling
Hinalikan kita't napangiti ka, 'di ba? 'Di mo alam, kasi hindi na

[Chorus]
Wala na 'yung ngiti (Yeah), wala na 'yung kilig (Yeah)
Wala nang magandang lumalabas sa 'ting bibig
Kasi wala na 'yung ngiti (Yeah), wala na 'yung kilig (Yeah)
Wala na nga lahat, wala kasing nakikinig
Gusto pang ayusin kaso tama nga na tama na (Tama na)
Alam naman na natin ang patutunguhan, awat na

[Verse 2]
Ni wala na nga tayong bagong litrato
Hindi na maalala 'yung huling palitan ng regalo
Marami na ring nakakapansin sa 'tin
Wala na daw 'yung dati nating lambing
'Di na sila nagtanong kung bakit dahil lahat naman sila ay saksi
Nanawa na lang tayong dalawa sa kakasubok na mabuo 'to
Wala na rin lang tayong nagawa at napasuko na lang sa dulo
Mahal pa sana natin ang isa't isa kahit ga'no pa tayo kalabo
Hindi tayo napagod sa isa't isa pero pagod na tayo sa tayo

[Chorus]
Kaya wala na 'yung ngiti (Yeah), wala na 'yung kilig (Yeah)
Wala nang magandang lumalabas sa 'ting bibig
Kasi wala na 'yung ngiti (Yeah), wala na 'yung kilig (Yeah)
Wala na nga lahat, wala kasing nakikinig
Gusto pang ayusin kaso tama nga na tama na (Tama na)
Alam naman na natin ang patutunguhan, awat na

[Outro]
Wala na 'yung ngiti
Wala na 'yung kilig
Hindi tayo napagod sa isa’t isa pero pagod na tayo sa tayo

Canzoni più popolari di MC Einstein

Altri artisti di Contemporary R&B