Habol

Bakit ba kumapit pa rin sa'yo
Kahit na malapit-lapit
Mo na 'ko no'ng hiwalayan at alam ko naman
Ba't walang pakialam tila nag-aabang

Na lang kung kailan ba 'yan para 'di masaktan
Pero ang 'di mo alam ay alam ko lahat ng mga
Plano mo dati pa

Pero naniwala na hindi mo kaya kasi nga
Sabi mo kailangan mo ako (oh)
Bakit bigla kang lumayo (oh)
Nahihirapan din naman ako (nahihirapan din naman ako)

Sa tuwing naghahabol ako sa'yo (naghahabol sa'yo)
Sabi mo kailangan mo ako (oh)
Bakit bigla kang lumayo (oh)
Nahihirapan din naman ako (nahihirapan din naman ako)

Sa tuwing naghahabol ako sa'yo (naghahabol sa'yo oh)
Lagi-lagi na lang ba akong may kahati
Dahil sawa na ring pabalik-balik
Maski na sinasabing kakayanin ay 'di ko

Maiwasang masaktan kung ganyan ng ganyan
Tipong babalik ka dahil may babalikan
At ako'y 'eto naman
Pinagtyatyagaan dahil pinaniwalaan ka

Kasi sabi mo kailangan mo ako (oh)
Bakit bigla kang lumayo (oh)
Nahihirapan din naman ako (nahihirapan din naman ako)
Sa tuwing naghahabol ako sa'yo (naghahabol sa'yo)

Sabi mo kailangan mo ako (oh)
Bakit bigla kang lumayo (oh)
Nahihirapan din naman ako (nahihirapan din naman ako)
Sa tuwing naghahabol ako sa'yo (naghahabol sa'yo)

Sabi mo kailangan mo ako
Bakit bigla kang lumayo
Nahihirapan din naman ako
Sa tuwing naghahabol ako sa'yo oh

Canzoni più popolari di MC Einstein

Altri artisti di Contemporary R&B