Tangi Kong Kailangan

Heto na naman ako nagtataka nalilito
Na para bang ako'y hindi nababagay dito
Sino nga ba ako 'yan ang tanong ko sa sarili ko
Sarili ko

Sana lahat tayo'y nagkakaintindihan
Sana wala tayong nasasaktan
Kung puwede lang kung puwede lang
Puso natin ay buksan

Kahit ako'y takot
Kahit ako'y nalulungkot
Kahit puso ko'y nasasaktan
Taas-noo ako ay lalaban

Haplos ng pag-ibig
Dito sa puso ko
Ang tangi kong kailangan

Sana makilala mo kung sino ba talaga ako
Sana'y maramdaman mo ang laman ng aking puso

Sana lahat tayo'y nagkakaintindihan
Sana wala tayong nasasaktan
Kung puwede lang kung puwede lang puso natin ay buksan

Kahit ako'y takot
Kahit ako'y nalulungkot
Kahit puso ko'y nasasaktan
Taas-noo ako ay lalaban

Haplos ng pag-ibig
Dito sa puso ko
Ang tangi kong kailangan

Walang mayaman walang mahirap
Walang nasa taas wala nasa baba
'Pag puso ng tao ang tanging sukat
Isang magandang umaga ang naghihintay naghihintay

Kahit ako'y takot
Kahit ako'y nalulungkot
Kahit puso ko'y nasasaktan
Taas-noo ako ay lalaban

Haplos ng pag-ibig
Dito sa puso ko
Ang tangi kong kailangan
Ang tangi kong kailangan

Sapat na ito

Canzoni più popolari di Lea Salonga

Altri artisti di Pop