Hanggang Saan

Kung magmamahal ang puso ko
Ang nais ko'y tapat at totoo
Di ako papasakitan kahit kailanman

Di ka ba magsisinungaling o sa akin ay maglilihim
Gusto ko'y pag-ibig na sadyang para sa akin

At kung ako'y papasasakitan lang
Ayoko na lang magmahal
Ang nais ko'y pag-ibig na sadyang ako lamang

Hanggang saan ba ang pag-ibig mo
Hindi ka ba magbabago sakali mayroong higit pa sa katulad ko
Hanggang saan ba ang pagsuyo mo
Magagawa mo bang maunawaan kung ako ay meron pagkakamali sayo

Sa habang-buhay ba'y tanging ako
Ang palaging iibigin mo maipapangako bang ikaw ay di magbabago

Di ka ba magsisinungaling o sa akin ay maglilihim
Gusto ko'y pag-ibig na sadyang para sa akin

At kung ako'y papasasakitan lang
Ayoko na lang magmahal
Ang nais ko'y pag-ibig na sadyang ako lamang

Hanggang saan ba ang pag-ibig mo
Hindi ka ba magbabago sakali mayroong higit pa sa katulad ko
Hanggang saan ba ang pagsuyo mo
Magagawa mo bang maunawaan kung ako ay may pagkakamali na ayaw mo

Di ka ba magtatampo at maiintindihan
Ang puso ko na magmamahal sayo

Hanggang saan ba ang pag-ibig mo
Hindi ka ba magbabago sakali mayroong higit pa sa katulad ko
Hanggang saan ba ang pagsuyo mo
Magagawa mo bang maunawaan kung ako ay mayroon pagkakamali sayo

Hanggang saan ba ang pag-ibig mo

Canzoni più popolari di Joanna Ampil

Altri artisti di Film score