Akong Nagkamali

Kawawang Candida
Kawawang Paula
Si Tony ang kawawa
Nabilibid ng 'di oras
Nawalan pa ng trabaho
Ngayon Miss Marasigan
Gusto mo pang maitago
Ang baho niyong magkapatid

Itsi-tsismis ko sa lahat
Ikakalat ko ang baho niyo
Mababalitaan ng lahat
Ang paglalamyerda ng iyong kapatid
Nang buong magdamag
Ano'ng sinasabi mong nagbalik kaagad

Hindi nagbalik kaagad nagsinungaling ako
Alas tres na ng umaga nang umuwi si Paula
Candida
Hinintay ko siya nakatayo ako rito
Tangka ko talagang murahin siya
Ngunit nang dumating dahan-dahang umakyat sa hagdanan
Tumindig lang diyan hindi nagsalita
At ang itsura niya ang itsura niya'y hindi ko malilimutan
Tama na Candida
Paano ko malilimutan ang itsura ng mukha niya
Tama na sabi
At natalos ko noong ako ang may sala
Ako ang masama ako ang sumira sa buhay ni Paula
Ipasok mo siya sa loob

Sandali
Gusto niyong malaman kung saan siya nanggaling
Sa'n siya nagpunta ano'ng ginawa niya
Tama na Candida
Ako'ng nagkamali
Ako'ng nagkasala sa aking kapatid
Ako'ng nagtulak sa kanyang lumakad
Ako'ng may gusto mangyari ang nangyari
Alam niyo kung bakit
Dahil sa dyes mil dolares

Inisip ko kasi ang aking kinabukasan
Inisip kong hindi ko na kaya ang kahirapan
Ayoko nang makipagtawaran sa palengke
Magtago sa kobrador
Maputulan ng tubig at ilaw
At para doon lang
Para sa bente mil pesos
Isinubo ko ang kapatid ko
Itinulak ko sa malaking kahihiyan

At ngayong alam niyo na
Ipagpaumanhin niyo
Masama ang aking pakiramdam

Canzoni più popolari di Joanna Ampil

Altri artisti di Film score