Kapatiran
Perlas ng silangan
Nilalapastangan
Hinuhubaran
Pinag nanakawan
Ginagahasa
Inaalipusta
Inaalila
Sa sariling lupa
Oh inang bayan
Ang iyong pinag daanan
Ang iyong pagdurusa
Aming damang dama
Ilan na ang pumanaw?
At ilan pa ang papanaw?
Upang bansa'y mabuo
Sa magulong mundo
Madugong digmaan
Malagim na nakaraan
Marahas na kasaysayan
Sa madilim na kapalaran
Kapatiran ating bantayan
Ang karapatan at ang kalayaan
Paglingkuran ang sambayanan
Ito ay ang ating sinumpaan
Masdan mo ang bandila
Tingin mo ba'y malaya?
At ika'y magtitiwala?
Sa sakim at mandaraya?
Mga mapanlinlang
Salot sa lipunan
Gahaman sa korapsyon
Wala na bang solusyon?
Ito ay panawagan
Sa lahat ng kapatiran
Na inyong pakinggan
Ang sigaw ng taong bayan
Ilan na ang pumanaw?
At ilan pa ang papanaw?
Upang bansa'y mabuo
Sa magulong mundo
Madugong digmaan
Malagim na nakaraan
Marahas na kasaysayan
Sa madilim na kapalaran
Hindi papasakop
Hindi pasisiil
Hindi magpapalupig
Hindi magpapa-api
Ito'y ating panata
Sa dugo't pawis at luha
Maging makabayan
Sa puso at diwa