Ang Aking Libing

Gerard Ervin Baldo

Naghihintay na
Ang aking hantungan
Ang aking kabaong
Malapit ng ibaon
Maitim at malalim
Ang hukay nito
Kaanya anyaya ang
Katiwasayan nito

Sa pag dilim ng langit
Maririnig ang awit
Ang pasyon ng kampon
At alulong ng kahapon
Taong nakapaligid
Mga matang nakatitig
Sa aking kabaong
Malapit ng ibaon

Oh ang kadiliman
Minsan ay may katakutan
Ngunit itoy may kapayapaaan
Hangdog ay katahimikan
Ito ang aking libing
Panalangin naway dinggin
Na sa aking paghihimbing
Muli kitang makapiling

Ito ang aking libing
Panalangin naway dinggin
Ito ang aking libing
Kaluluway tanggapin
Ito ang aking libing
Panalangin naway dinggin
Ito ang aking libing
Katahimikan sa dilim

Canzoni più popolari di Jack Hammer

Altri artisti di Rock'n'roll