Wag Kang Aalis

Halika upo ka
Samahan mo 'ko muna
'Di kailangan ng salita
Basta nariyan ka

Gusto ko lamang sabihin ang nadarama
Pagpasensyahan mo na
Kailangan lang huminga
At kung ako'y maiyak man

Ako'y hayaan lang
Ang bigat maiibsan
Mapakinggan lang
'Wag kang aalis diyan ka lang muna sa 'king tabi

'Wag mong iiwan
Kailangan kita nais malaman
Na ikaw ang karamay
At sa iyo'y mahalaga

At kung ako'y maiyak man
Ako'y hayaan lang
Ang bigat maiibsan
Mapakinggan lang

'Wag kang aalis diyan ka lang muna sa 'king tabi
'Wag mong iiwan
Kailangan kita nais malaman
'Wag kang aalis

Kailangan kita ngayong sandali
'Wag mong iiwan
Kailangan kita nais malaman
Na ako'y may karamay
At ako'y may halaga

Canzoni più popolari di Ice Seguerra

Altri artisti di Pinoy pop