Pagdating ng Panahon

Moy Ortiz, Edith Gallardo

Alam kong hindi mo pansin narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit 'di man ngayon
Mapapansin mo rin mapapansin mo rin

Alam kong 'di mo makita narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit 'di man ngayon hahanapin mo rin
Hahanapin mo din

Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging
Tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon kahit
Di pa lang ngayon sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon

Alam kong hindi mo alam narito lang ako
Maghihintay kahit kailan
Nangangarap kahit 'di man ngayon
Mamahalin mo rin mamahalin mo rin

Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging
Tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon kahit
Di pa lang ngayon sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon

'Di pa siguro bukas 'Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw dumating din 'yon

Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging
Tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon kahit
Di pa lang ngayon sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon

Curiosità sulla canzone Pagdating ng Panahon di Ice Seguerra

Quando è stata rilasciata la canzone “Pagdating ng Panahon” di Ice Seguerra?
La canzone Pagdating ng Panahon è stata rilasciata nel 2001, nell’album “Pagdating Ng Panahon”.
Chi ha composto la canzone “Pagdating ng Panahon” di di Ice Seguerra?
La canzone “Pagdating ng Panahon” di di Ice Seguerra è stata composta da Moy Ortiz, Edith Gallardo.

Canzoni più popolari di Ice Seguerra

Altri artisti di Pinoy pop