Sulat

Sinikap kong hangga't maaari
Ika'y makapiling ko ngayon
Ngunit hinihiling ng pangyayari
Hinihingi ng panahon

Na sa sandaling ito
Ako'y malalayo sa 'yo
Sa pangungulila't kalungkutan
Maraming salamat 'di mo nalimutan

Kahit ako ay malayo
Ikaw ay malapit sa aking puso
Kahit sa'n mapadako
Laging kapiling ko ang mga sulat mo (laging kapiling ko ang mga sulat mo laging kapiling ko ang mga sulat mo)

Ang lagi kong dinadalangin
Ika'y pagpalain niya tuwina
Hanggang sa tayo'y pagsamahin
Hanggang ako'y makauwi na

Sa kupas na sulat mo
Mababakas ang luha ko
At sa alaala't agam-agam
Maraming salamat sa 'yong mga liham

Kahit ako ay malayo
Ikaw ay malapit sa aking puso
Kahit sa'n mapadako
Laging kapiling ko ang mga sulat mo

Kahit sa'n mapadako
Laging kapiling ko ang mga sulat mo
Laging kapiling ko ang mga sulat mo
Laging kapiling ko ang mga sulat mo
Laging kapiling ko ang mga sulat mo
Laging kapiling ko ang mga sulat mo

Canzoni più popolari di Gary Granada

Altri artisti di