Sinisintang Bayan

Dito ko nahanap ang hanap ko na buhay
Dito nadalunga ang kabuluha't saysay
Na pinatitining at pinatitibay
Dinidilig pinapanday ng pag ibig na di mamamatay

Buhay kong kaisa isa tanging kayamanan
Magmula ng makasama ka naging makasaysayan
Ang iyong mga anak laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap oh sinisintang bayan

Sa lupang sagana
Aba ang karamihan
Kung kaya kasama ng buong sambayanan
Sa digmang payapa
At digmang digmaan
Ilulunsad iluluwal ang maunlad na bayang may dangal

Buhay kong kaisa isa tanging kayamanan
Magmula ng makasama ka naging makasaysayan
Ang iyong mga anak laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap oh sinisintang bayan

Buhay kong kaisa isa tanging kayamanan
Magmula ng makasama ka naging makasaysayan
Ang iyong mga anak laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap oh sinisintang bayan

Curiosità sulla canzone Sinisintang Bayan di Gary Granada

In quali album è stata rilasciata la canzone “Sinisintang Bayan” di Gary Granada?
Gary Granada ha rilasciato la canzone negli album “Saranggola Sa Ulan” nel 2002, “Mapa 2: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin, Vol. 2” nel 2014, e “The Essential Gary Granada Collection” nel 2014.

Canzoni più popolari di Gary Granada

Altri artisti di