Sa Puno Ng Mangga
Sa ibaba ng gulod
Sa itaas ng ilog
May puno ng mangga
Tayo'y naglalaro
Ng sungka at piko
Noong mga bata pa
Hanggang sa tumanda
Ako'y nagbinata
At ika'y nagdalaga
At doo'y pagsinta
Sa isa't isa
Ay unang nadama
Saksi pa ang buwan
Nang maging tagpuan
Ang puno ng mangga
Doo'y natutuhan
Nating pagsaluhan
Ang lungkot at ang saya
At nangarap ako
Na iregalo sa iyo
Sa kasal nating dal'wa
Isang dampa sa gulod
Isang bangka sa ilog
At isang punong mangga
Ngunit isang araw
Ika'y lumisan
Dagling nagunaw
Ang ating sumpaan
Ang balita ko
Minsan ikaw ay nangibang-bayan
Kapalaran mo
Doon na rin natagpuan
Kung masdan mo ngayon
Wala nang dahon
Ang puno ng mangga
Nakaukit pa rin
Ang pangalan natin
Sa isang lumang sanga
Saan ka man naroon
Giliw sana ngayon
Maalwan ang buhay mo
Kung iyong kamustahin
Ang dating bukirin
Iba na ang anyo
Kung iyong kamustahin
Mag-aanim na rin
Aking mga apo