Pagkatapos
Alam mo bang magliliwanag na
Ang bait mo't umuwi ka pa
Pagkatapos kitang ipagsaing
Pagkatapos kitang ipaghain
Sasabihin mong ika'y kumain na
Para bang isang instant replay
Ng nangyari no'ng isang gabi
Pagkatapos mo akong pangakuan
Pagkatapos ng ating kasunduan
Hihiritan mo akong muli
Sana man lamang ay paminsan-minsan
Mauunawaan ko pa
Napakapalad mo lang aking hirang
Mahal na mahal kita
Sana man lamang ay paminsan-minsan
Mauunawaan ko pa
Napakapalad mo lang aking hirang
Mahal na mahal kita
Isang araw ang langit kukulog
Mahal alam mo na ang kasunod
Mauubos ang aking pasensiya
Igagapos kita sa isang bomba
Giliw sana ay maawa ka
Huwag hayaang ako'y maging kontrabida
Huwag bayaang ako'y maging biyuda
Pagkatapos ay pagkatapos ay
Pagkatapos ay tapos ka na