Mga Kanta Ni Goryo

Pagbigyan n'yo na ako
Sa munting hilig kong ito
Huntahan at mga kuwentong barbero
'Pag pumanaw na ako
Tanging hiling ko lang sa inyo
Sa langit ay pabaunan n'yo ako
Ng isang Ginebra

Barumbarong namin ay gegewang-gewang
Bagoong at daing lagi naming ulam
Paglubog ng araw punta sa tambayan
Nang hirap ng buhay aming malimutan

May pantagay kami sipol ang pulutan (yehey whew)
Kahit anong isyu pinagtatalunan
'Pag weng-weng na kami we-we-u na kami
Ipon ng lakas para sa inuman bukas

Bangkang papel nagmirakel
Sa Payatas galing Malakanyang ang narating
Sino kaya ang pumapel
Upang bangka sa palasyo'y makarating

Kahit bumabagyo kahit bumabaha 'di nabasa
Kaya 'di nabura sulat na galing sa tatlong bata
Hindi nabahura kahit naglakbay nang milya-milya
Naghimala nabasa ni Ate Gloria

Tatlong bangkang papel tunay ngang himala
Milagrong kailangan nitong ating bansa
Kaya mula ngayon tayo ay maghanda
Perang walang silbi tiklupin at gawing Bangka

I-text i-text mo na lang ako
Kung may credit pa ang cellphone mo
Ngunit baka mabigla kayo
Ang balance n'yo ay biglang zero

Uto-uto din naman tayo
Nagpapaloko 'pag may promo
Smart o Globe kung Sun mo gusto
Nakasampung lipat na ako

Kahit ang text mo 'di dumating
Bawat pindot mo sisingilin
Tuloy-tuloy na kakaltasin
Kahit na nga 'di mo pindutin

Ipindut mo ipindut mo ipindut mo ipindut mo
Ipindut mo ipindut mo ipindut mo ipindut mo

Ito raw pong si Ping ay may washing machine
Salaping marumi kayang paputiin
Santambak mang dolyar ang kanyang labahin
Babango't lilinis dito kay Mr Clean

Ito raw pong Abu bigtime na bandido
Di masilo-silo ng mga sundalo
Pa’no mahuhuli kung ang hinuhuli
At ang nanghuhuli pala'y magkakampi

SONA ni Gloria bongga at madrama
Ngunit may bakas pa ng mga dating SONA
Parang kamukha ng SONA ni Cory
At SONA ni Ramos at SONA ni Estrada

Ang ganda-ganda ng SONA ni Gloria
Ng SONA ni Cory at ni Ramos at Estrada
'Di naman kaya ang SONA ni Gloria
Ay kanyang kinopya sa SONA ng tatay niya

Paulit-ulit ang kuwento
Papalit-palit ng tao
Pare-parehong gobyerno
Mamamaya'y ginagantso

Manggagawa't magbubukid
Kinakapos nagigipit
Kinikita nila ay kay liit-liit
Samantalang si gobernor
Si congressman at senador
Yumayaman by serving the poor

Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo

Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Matagal ka na nilang niloloko

Curiosità sulla canzone Mga Kanta Ni Goryo di Gary Granada

In quali album è stata rilasciata la canzone “Mga Kanta Ni Goryo” di Gary Granada?
Gary Granada ha rilasciato la canzone negli album “Saranggola Sa Ulan” nel 2002 e “Mapa 2: Mga Awit Na Magagamit Sa Panlipunang Aralin, Vol. 2” nel 2014.

Canzoni più popolari di Gary Granada

Altri artisti di