Lalawigan
Narito sa lalawigan
Ang una mong pag-ibig
Ang iyong mga kaibigan
Kababata't kapatid
Si Juan minsa'y nangarap
At kung saan-saan pa nagpunta
Ang asensong hinahanap
Sa lalawigan lang pala
Dito lang matutupad
Ang ating hinahangad
Dito lamang uunlad
At lalawig ang bukas
Dito lang nagmumula
Ang yaman ng ating bansa
Dito tayo gagawa
Sa ginagis ng lalawigan
Ang damdaming makatao
Dito natin natutunan
Mga ugaling Pilipino
Gaya ng pagdadamayan
Sa siyudad iba'ng sistema
Sa sobrang kasikipan
Pati na sa 'yong problema
Halos walang mahingahan
Dito mo ako mahalin
Dito natin didiligin
Palagihi't palaguin
Ang ating sumpaan
Dito tayo mamumunga
Gigiik at giginhawa
Sasaya at sasagana
Sa ginagis ng lalawigan
Dito tayo titira
Sisikhay at sisigla
Tatagal at tatanda
Sa ginagis ng lalawigan