Isinilang Ang Kapatid Ko; Gamugamong Munti; Que Bobo Bobo (feat. Bayang Barrios, Lani Misalucha & Noel Cabangon)
Isinilang ang kapatid ko dise-nwebe ng buwang hunyo
Mil otso siyenta sisentay-uno
Dapitan ng alas onse't alas dose ng gabi
Ng niluwal 'yang si Jose
Bago bumilog ang buwan yan ang natatandaan
Si ina ay lubhang nahirapan
Si Paciano at si Jose tanging anak na lalaki ang siyam ay puro babae
Sampu silang kapatid ko si jose ang ikapito
Sampung taon ang tanda ko
Siya'y lumaking masunurin
Takot sa Diyos masimbahin sa ina nagsimula ng aralin
Mali-mali ang 'yong pagbasa o inaantok ka lang ba
O naglalakbay na naman ang yong isipan
Naaaliw lang po ako sa munting gamugamo
Paikut-ikot sa apoy tuwang-tuwa gustong-gusto
May kasaysayan dito tungkol sa isang gamugamong matigas ang ulo
Tulad ko po ba ang gamugamong iyan na
Mahilig magtanong ng kung ano at kung saan
Shhhh makinig ka nalang
Gamugamong munti sa apoy ay naakit
Ina ay nangamba binalaang wag lumapit
Init ng apoy na naghahahalina init ng tukso'y ang sayo humihila
Sa dulot na liwanag ay wag kang mahumaling
Sa dulot na liwanag ika'y aangkinin
Gamugamong munti ay pailing-iling
Ano kaya itong pinagkakait sakin
Paglisan ng ina gamugamo ay nagpasya
Unti-tuning lumapit sa apoy ng lampara
Habang lumalapit kanyang nadarama
Kay sarap ng init di dapat mangamba
At siya nga'y binulag nitong kapusukan
Lumapit ng lumapit walang pakundangan
Kay sarap na init biglaang bumagsik
At siya ay tinupok singbilis ng sakit
Ay anong saki anong hapdi ng sinapit
Ay anong lungkot anong tindi anong lupit
Gamugamong munti sa apoy ay nahalina
Ang takot ng ina ay hindi nya alintana
Init ng apoy na nakahahalina
Init ng tukso'y sa kanya ay humila
Ang dulot na liwanag ay nagaalok ng init
Ang dulot na liwanag ay napakarikit
Ang gamugamong munti ay mapalad na rin
Tupok man ang pakpak ang pangarap ay naangkin
Mayrong aral jan na dapat mong matutunan
Sinag ng karunungan wag gaanong lapitan
Ngunit ang liwanag ay napakarikit
Matupok man ako maluwalhati ang pait
Madalas tuksuhin si Jose pagkat ang ulo nya ay malaki
Madalas biruin si pepeng pepe-pepe ulo ay higante
Pepeng darat pepeng darat
Lumalaki ang ulo kapag nagugulat
Paglaki ko makikita ninyo ulo ko'y gagawing munomento
Sa bayang Binyang nag-eskwela
Nag-aral ng latin magsulat at magbasa
Ngunit sa binyang di sya masaya nung nagkanene na ikaligaya
Pinasok ka sa Atena de Manila kailangang gumamit ng impluwensya
At ang ginamit na apelyedo Rizal sa halip na Mercado
Dahil sa pagkasangkot nito sa kaso nitong boss nitong si pasyano
At sya ang nangasira sa bahay ni Donya Pepay
Don pala kalabas-labasay kalokohan ay panay
Di sya ganong magaling sa kastila ng bagong dating sa Maynila
Masyado itong maramdamin masyado pating matampuhin
Ng minsan sya'y napagdiskatan ng isang maestrong hibang
Naku di maawat-awat si Jose nagmukmok araw at gabi
Ay kay bobo bobo kay bobo bobo mo
Ay kay bobo bobo kay bobo bobo mo
Nagtatangka pang mag-aral ng sumagot ay kay bagal
Espanyol na butal-butal buhol-buhol nauutal
Ay kay bobo bobo kay bobo bobo mo
Ay kay bobo bobo kay bobo bobo mo
Magtimpi ka Jose Rizal hayaan ng sya'y magdadaldal
Matandang ya'y talagang hangal at sadyang malupit ang asal
Siya ang kay bobo bobo pagkat di nya nalalamang
Siya ang kay bobo bobo ang maestrong timang
Tingnan mo ang mga Espanyol kahit na nag bersyon ay nasa Espanyol
Pati mga proffesor pag nagtuturo ay Espanyol
Di parin nila nasasakyan ang leksyon di maintindihan
Samantalang dihaon Indyos sandali lang ay intendido
Sobre sa bente ang grado
Sino ba ang katang-tangi mga puti ba o kayumanggi
Sino ngayon ang kapuri-puri at mas matino ang lahi
Sino ang tunay na mapurol mga Indyo ba og mga Espanyol
Sino ang tunay na matalas kitang-kita namamalas
Sino ngayon ang kebobo pasalamat ka nga maestro
At kami'y di naging bobo kahit kay bobo mo