Pasaload
Ang dami yatang nabulabog
Sa ginawa kong pasabog
May mga gustong maki-salo
Meron din namang gusto lang maki-salok
Mga buraot na gusto rin maki-hakot
Di naman ako madamot oh sige ito regalo ko
Pagdamutan niyo na kasi hindi ko binalot
Yung gusto niyo i-body bag ay kaya din kayo ibalibag
Usapang kalye rap ba kamo nako mga pare wag ako
Matagal ko na ' tong habitat mala murang edad
Pag sumulat ay dekalidad walang gawa 'tong nakakahikab
May sarili 'tong imahe brad hindi 'to copycat
Kaya asahan mo na mabigat walang sisihan ha
Yung pinakita ko maganda tapos yung ibabalik niyo lampa lanta lanta lanta lam na
Pakinabangan sa mga kanta banta kase puro amba
Tap na
Masakit kasi sa tenga off beat
Kasi beat kinakarera 'di niyo kabisado to' akina manibela
Bumalik kayo sa acapella repa
Tutal dun kayo magaling 'di ba edi dun na kayo mag bida
Ano bakante ba sa liga kaya tumira baka sakaling umabante pa
Halika
Kahit di ako magkakaron palagan natin yung mga naghahamon
Mambabaon ako ngayon sumasagot kahit di tinatanong (bastos)
Tawa ngayon iyak later
Sige sila na yung mas greater kasi pag sila yung nag rap
Mahihirapan lahat pati arranger
Damn
Pinilit maging hater pag hate automatic kasi click bait ew
Kahit maka-million click pa yung mga video 'di mo matatawag yan na hitmaker
Matabang niyo na tugtugin pasok kung makikinig ay bugnutin
Tas yung sinasabing niyo na uhugin
Pumatok na kasi shooter kayo mga super loser
Kasi kahit anong gawin niyo sakin ay kapos po sir
Hanggang sa net lang aabot mga dakdak mo
Kasi 'di ka six footer (ouch)
Mga feeling heavyweight na hindi na maka-penetrate
Kasi very late mga 'di kasi nag-elevate 'di na maka enter sa gate hindi na sila safe
Kaso takot sila umamin kala mo ini-interrogate
Nag paapoy yung nag pa in-underestimate
Tumawag kayo ng bumbero mate teka wait
Humiram ng flow kay eminem (ehem)
Aba nakaready rin
Gusto yata ako pestehin
Habang ako natutuwa lang sa kanila para testingin ko sa experiment wag na kayo magulat brad
Ginawa ko 'to ng on the spot kung usapang rap ako lang yung dope as fuck
Kahit hindi mo na i-vocal chop
Di na mahalaga kung sino ba yung mas mahusay
Basta ako mga sulat ko kaya ko isabuhay (wow)
Mga ulo nila tinubuan na ng sungay
Sige sa kakasigaw na sila daw ang tunay kakaumay
Palibasa 'di magkakakulay mga buhay kaya iba nalang hinahalukay
Kung hindi ko iniisip yung ika-anim na utos
Edi sana 'di ko na sila binuhay
Beng