Nasa Diyos Ang Awa
Kahit nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
Kaya ikaw ay magsumikap mananagana ka at liligaya rin
Kahit nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
Lagi kang magmahal sa kapwa isipin mong silay minamahal ka rin
Chuchudododochudododochudodododo
Chuchudododochudododochudodododo
Alam mo nakikinig lagi sa iyo ang Panginoon
At gagantimpalaan niya ang iyong pagsusumikap
Siyempre lalo na kung ikaw ay tumutulong at nagmamahal sa iyong kapwa
Kahit nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
Magpakabuti kang palagi at ang mga masasama ay iwaksi
Kahit nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
Ikaw ay kanyang tutulungan lalo kung tutulungan mo ang sarili
Chuchudododochudododochudodododo
Chuchudododochudododochudodododo
Hindi rin kaila sa iyo na nakikita ng Diyos ang lahat ng iyong mga ginagawa
Kaya sana iwasan mo ang mga masasamang bisyo
At alagaan mong mabuti ang iyong kalusugan para na rin sa iyong kapakanan
Chuchudododochudododochudodododo
Chuchudododochudododochudodododo