Kulang Ang Langit

Florante De Leon

Kulang na kulang ang langit
Kung pagbabatayan ng pagmamahal
At ihahambing sa lawak ng pag-ibig ko sa 'yo

Mapigilan man ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ibig ko ay hindi mahihinto
Ang buwan at araw kahit pagsamahin
'Di pa rin makakayang pumantay sa aking pag-ibig sa 'yo

Ang pag-ibig ko ay wagas at mayro'ng tapat na hangarin
Tunay magmahal at dalisay ang tanging pusong angkin
At kung susukatin ang aking damdamin
Langit man ay kulang pa sa laki ng aking pag-ibig

Kulang na kulang ang langit
Kung pagbabatayan ng pagmamahal
At ihahambing sa lawak ng pag-ibig ko sa 'yo
Maglaho man ang linaw ng mga bitwin

Ang pag-ibig ko ay tuloy magniningning
Matuyo man ang dagat, ilog, at ang batis
Sa ugat ng puso mo'y dadaloy ang aking pag-ibig

Kulang na kulang ang langit
Kung pagbabatayan ang pag-ibig ko sa 'yo

Canzoni più popolari di Florante

Altri artisti di Folk rock