Oh Lucy (feat. Faye Tagadtad)

Jayson Lopez

Oh Lucy Oh Lucy
Ikaw ang panaginip ko
Oh Lucy Oh Lucy
Nababaliw sa mga titig mo

Tayong dalawa
Lamang at wala nang iba pa
Pinapangako
(Na ikaw lang talaga)
Ang iibigin ko

Alam mo ba? kung gaano kasaya?
Nang unang masilayan ang ganda ng 'yong mata?
Tila ako'y nananaginip at nababaliw na
Sa taglay mo na ngiti ayaw nang magising pa

Madilim man ang gabi'y nilalagyan mo ng liwanag
Ako'y isang alipin na palaging tinatawag

Isang sambit mo lang agad-agad na dadating
Matanaw ko lamang ang mga ngiti mong kay lambing

Handang maging alalay at sunud-sunuran
Pagibig ko'y buo at kailanma'y 'di magkukulang

Narito palagi saan ka man patungo
Handang pangalagaan ang malambot mong puso

Kahit na anu man ang sabihin nila sakin
Na kesyo ang ibigin ka ay medyo alanganin
Ngiti mo ang siyang lunas sa bawat panalangin
Kahit na ika'y aklat na medyo mahirap basahin

Lahat ay tatahakin basta't para sa iyo
Iibigin ka ng tunay at pangako ko ito

Ako'y magsisilbing lunas sa bawat karamdaman
Hindi ka iiwanan, bagkus ay aalagaan

Oh Lucy Oh Lucy
Ikaw ang panaginip ko
Oh Lucy Oh Lucy
Nababaliw sa mga titig mo

Tayong dalawa
lamang at wala nang iba pa
Pinapangako
(Na ikaw lang talaga)

Alam mo ba? Kung gaano kasaya?
Nung unang mahawakan ang kamay mo sinta
Akala ko nga panaginip o nababaliw na
Tila ako ay nasa langit lalo't pag katabi ka

'Di mo ba matandaan? Kung san tayo nagtagpo?
Pinaglapit ng tingin, ang binting magkalayo
Pinaliwanag ang dilim, puso natin naglaro
Titig na palihim, Mga ngiting patago

Habang ika'y minamasdan para nang aatakihin
Ang mga mata mo na di nakakabitin
Bawat paa ko, nangingig at di rin
Makabwelo iisipin
Kung paano aaminin

Sa tuwing dumadating laging kinakabahan
Masaya ako basta't masilayan ka lang
Ngunit sabi ng iba, maling mahalin kita
At nang mapag alaman ang iyong nakaraan

Kaya naman nasanay na at nakagawian
Na suyuin ka kahit na paulit-ulit lang
Ang bawat mga araw panahong mapanlinlang
Pagka't sa kabila nito ikaw lang ang nilalaman

Ng puso ko

Basta't para sa iyo
Iibigin ka ng tunay at pangako ko ito

Na sa bawat karamdaman ako'y magsisilbing lunas
Kahit makakalimutan mo kung sino ako bukas

Oh Lucy Oh Lucy
Ikaw ang panaginip ko
Oh Lucy Oh Lucy
Nababaliw sa mga titig mo

Tayong dalawa
Lamang at wala nang iba pa
Pinapangako
(Na ikaw lang talaga)
Ang iibigin ko

Ilang taon na nga ba halos di na maalala
Nang natagpuan ka at unang nakasama

Kay bilis namang lumipas parang kahapon lamang
Ngayo'y kapiling ka sa takbo ng kapalaran

Kahit masakit sa akin na palagi kang ganyan
Ang 'di matandaan ang araw na dumadaan

Kaya sa bawat pagsubok na ating nalampasan
Sa dulo ng walang hanggan, ako at ikaw lang

Ang siyang matitira pinapangako ko sinta
Na 'di ka iiwanan 'di ka mag iisa

Ako'y nandito lang palagi walang mag-iiba
Walang ibang nais kundi makapiling ka

Sabihin man nilang ako ay nasisiraan
Na ang mahalin ka'y sugal na kay hirap ilaban

Ito ay kapalaran na di ko kayang ilagan
Dito sa aking mundo ikaw ang siyang kaliwanagan

Kumapit ka saking kamay hindi ka bibitawan
Kasabay ng pangakong para sayo lamang

Pagkat sa aking puso ikaw ang tangan-tangan
Ika'y nagiisang bituin sa aking kalawakan

Handa kang samahan
Sa kapayapaan
Aking kayamanan
Taglay mong kagandahan

Kaya sating mundo, ikaw lang at ako
At laging tandaan na puso ko'y para sayo

Kaya hindi ka na luluha pa nandito lang ako
Na iibigin ka ng tunay at pangako ko ito

Na sa bawat karamdaman ako'y magsisilbing lunas
Kahit di mo na ulit ako makikilala bukas!

Oh Lucy Oh Lucy
Ikaw ang panaginip ko
Oh Lucy Oh Lucy
Aalagaan ang pag-ibig mo

Ikaw lang at ako
Buhay ko ay para sayo
Pinapangako...

(Na ikaw at walang iba)
Ang iibigin ko

Oh Lucy Oh Lucy
Ikaw ang panaginip ko
Oh Lucy Oh Lucy
Nababaliw sa mga titig mo

Tayong dalawa
Lamang at wala nang iba pa
Pinapangako
(Na ikaw at walang iba)
Ang iibigin ko

Canzoni più popolari di Deno

Altri artisti di German rap