Dinggin

Kahit saan mapunta ikaw ang nakikita
At sa aking paggising ika'y naaalala
Bakit ganito ikaw na lang lagi ang laman ng aking isip
Ilang beses na bang pinilit kang limutin
O walang magawa ako'y bihag mo pa rin
Bakit ganito hindi na makatakas (bakit nga ba)
Sa rehas ng iyong pusong ubod ng lakas

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang di mo na ko mamahalin
Ako'y iyong palayain at wag ng bibihagin
Ngunit bakit ganito ika'y mahal pa rin

Sa iyong mga ngiti ako pa rin nabibighani
Ang iyong magandang tinig tulad pa rin ng dati
Di ba't nagkasundo magkaibigan na lang tayo (nagkasundo)
Ngunit damdamin ko di mapilit na mabago

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain
At wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito ika'y mahal pa rin

Di ko alam ang aking gagawin ngayong wala ka na sa aking piling
Ngunit walang magagawa pag-ibig mo ang susi
Sa pagkabihag kong ito ano bang gagawin ko

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain
At wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito bakit ganito

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko nang di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain
At wag nang bibihagin
Ngunit bakit ganito ika'y mahal pa rin

Canzoni più popolari di Davey Langit

Altri artisti di Pinoy pop