Huwag Nang Magsulat Ng Kanta
Maghanap na lang kaya ako ng ibang trabaho
Buwanang sahod na sigurado
9 to 5 na empleyado, teller dun sa bangko
May SSS, Pag-Ibig samu’t saring benepisyo
Mag negosyo na lang kaya ako ng isda?
Magbukas na lang panaderya?
Wag nang magsulat ng kanta
Pag nagkaganun hindi ko na poproblemahin
Ang Youtube hits o Spotify streams
Di na mababahala kung hindi man ‘to kumita
Di na mababalisa kung ang ticket di mabenta
Mag aya sa show wala namang magsisipunta
Iisang lamesa, nanay ko pa
Wag nang magsulat ng kanta
Oh para bang wala namang napapala
Ah, hanggang kailan ako magbabakasakaling
Ako naman ang ‘yong pakinggan
Sabi nga ng tatay ko, maganda ‘to, gawin mo lang siyang hobby
Wag mo nang masyadong career-in
Tutal naman tapos ako, pwede ‘ko daw magamit
Diploma, bio-data ko ipasa ko sa Jobstreet
Kesa gastusan ko ang recording nito
Hindi naman maganda ‘tong kantang ‘to
Wag nang magsulat ng kanta
Instrumental na may sipol!
Ba’t ba ako nagsusulat ng kanta?
Oh, tinanggap ko na ang katotohanan na
Ako’y pinanganak upang umawit, mag-gitara, mag-kwento
Magsulat ng kanta
At akin ngang napagtanto sa modulation na ito
Hindi ko kailangan ng ibang trabaho
Alam ko na ito, mula nung bata pa ako
Kahit mahirap, gagawin ko ‘to hanggang sa pagtanda ko
Alam kong ‘di ako ang pinakamagaling
Pero gagawin ko pa rin
Magsusulat ako ng kanta
(Pasasaan ba)
Magsusulat ng kanta
(Tuloy tuloy lang)
Magsusulat ng kanta
(Woah-oh-oh)
Magsusulat pa rin ako ng kanta