Sana Bukas Pa Ang Kahapon
Kung sanay darating palang
Ang sa akin nagdaan
Di ako mabibigla
At mapag hahandaan
Kabiguan kasawian
Sana'y di akin ngayon
Sana bukas pa ang kahapon
Sana'y maiiwasan ko
Ang tayo'y magkalapit
Kung alam kong luha lang
Ang magiging kapalit
Akala kong pag mamahal
Bakit pa nagka-ganon
Sana bukas pa
Sana bukas pa ang kahapon
Kung maibabalik ko lang
Ang kamay ng orasan
Sana ako'y may bukas pa
Sa kasawia'y makakaiwas pa
Ang lahat may lunas pa
Kung ang yong kahapon
Sana'y bukas pa
Ang pagsisisi nga naman
Laging sa dakong huli
Ang mangyayari pa lang
Di natin alam kasi
Dahil di natin hawak ang
Pagtakbo ng panahon
Sana bukas pa
Sana bukas pa ang kahapon
Kung maibabalik ko lang
Ang kamay ng orasan
Sana ako'y may bukas pa
Sa kasawia'ymakakaiwas pa
Oh
Ang lahat may lunas pa
Kung ang yong kahapon
Sana'y bukas pa
Ang pagsisisi nga nama'y
Laging sa dakong huli
Ang mang yayari pa lang
Di natin alam kasi
Dahil di natin hawak ang
Pagtakbo ng panahon
Sana bukas pa
Sana bukas pa
Sana bukas pa ang kahapon