Pasensya Na

Tayong dalawa ay kay tagal na nating magkaibigan
Nagkasundong walang ligawan
Sakali man na may damdaming di inaasahan
Ito'y ating pipigilan

Nais ko na sana'y malaman mo ang aking nararamdaman
Kahit di pinaaalam
Dinarasal na tayong dalawa ay magmahalan
Higit pa sa magkaibigan

Pasensya na di ko man nasabing mahal kita
Pano kung di mo tanggapin
Di naman ganon kadali
Aminin ang nakatagong damdamin

Di sadyang na puso ko'y mahulog nang tuluyan
Ilang ulit pinigilan
Lalayo nalang baka masira ang pagkakaibigan
Ako nalang ang masaktan

Nais ko na sana'y malaman mo ang aking nararamdaman
Kahit di pinaaalam
Dinarasal na tayong dalawa ay magmahalan
Higit pa sa magkaibigan

Pasensya na di ko man nasabing mahal kita
Pano kung di mo tanggapin
Di naman ganon kadali
Aminin ang nakatagong damdamin

Pasensya na di ko man nasabing mahal kita
Gano katagal ililihim
Di naman ganon kadali
Aminin ang nakatagong damdamin

Pasensya na di ko man nasabing mahal kita
Pano kung di mo tanggapin
Di naman ganon kadali
Aminin ang nakatagong damdamin

Canzoni più popolari di Zephanie Dimaranan

Altri artisti di Contemporary R&B