Anghel

Ika'y huminga 'wag kang mangamba
'Di naman ako umalis kaya ko namang magtiis
Ang sakit lang malaman na ika'y dumaraan
Sa bagay na 'di naman dapat wala ka namang kasalanan

Bakit ba ang daming sinasabi ng 'yong labi
Ika'y tumigil hindi mo ba alam
Kung pa'no ka nasaktan kung pa'no pinaglaruan
Ang pusong walang ginawa kundi ang magmahal

Sino'ng nagsabi sa 'yo na 'di sapat ang tulad mo
Hindi mo ba nakikita anghel ang nakikita ko
Alam kong mahirap 'to nandito naman ako
Hmm yeah

Umiiyak na naman pumapatak ang 'yong luha
Hmm huminahon ka na mahal huminga ka nang matagal
Kahit ano'ng sabihin nila 'di nila alam kung sino ka
Binibini ako'y kuntento isayaw mo na lang ako dito

Bakit ba ang daming sinasabi ng 'yong labi (ha)
Ika'y tumigil hindi mo ba alam (ha)
Kung pa'no ka nasaktan kung pa'no pinaglaruan (ha)
Ang pusong walang ginawa kundi ang magmahal (ha)

Sino'ng nagsabi sa 'yo na 'di sapat ang tulad mo
Hindi mo ba nakikita anghel ang nakikita ko
Alam kong mahirap 'to nandito naman ako woah yeh
Walang may alam kung pa'no pinaglaruan
Ang pusong walang ginawa kundi ang magmahal

Canzoni più popolari di Zack Tabudlo

Altri artisti di Pop