Wag Kang Bibitaw

Ilang ulit na ring nadapa
At ang sugat tila malala
Ang dami ng pagkukulang
Hindi ko na mabilang

Magtiwala ka lang
Itawag mo sa kanya
Huwag kang mag-alala
Dahil nakikinig sya

Huwag kang bibitaw kumapit ka lang
Huwag kang susuko
Ipaglaban mo ang katotohanan
Ituloy ang laban

Huwag kang hihinto ituloy ang takbo
Huwag kang mapagod
Tayo ay maglalakbay sa daan ng buhay
Kasama ang diyos na lumalang
Kumapit ka lang

Ngayong nandito ka na
Aatras ka pa ba ‘wag na
Tingin mo’y di makakaya
Palaging may pag-asa

Magtiwala ka lang
Itawag mo sa kanya
Huwag kang mag alala
Dahil nakikinkig siya

Huwag kang bibitaw kumapit ka lang
Huwag kang susuko
Ipaglaban mo ang katotohanan
Ituloy ang laban

Huwag kang hihinto ituloy ang takbo
Huwag kang mapagod
Tayo ay maglalakbay sa daan ng buhay
Kasama ang diyos na lumalang

Maraming pagsubok man ang dumating
Tumuloy ka lang
Lahat ay lilipas din

Huwag kang bibitaw kumapit ka lang
Huwag kang susuko
Ipaglaban mo ang katotohanan
Ituloy ang laban

Huwag kang hihinto ituloy ang takbo
Huwag kang mapagod
Tayo ay maglalakbay sa daan ng buhay
Kasama ang diyos na lumalang

Kumapit ka lang oh (huwag kang bibitaw kumapit ka lang)
Oh (huwag kang susuko)
Huwag kang bibitaw
Kumapit ka lang

Canzoni più popolari di Yeng Constantino

Altri artisti di Pop rock