Hamon Ng Mundo
Buhay natin ay katulad ng isang pelikula
Sari-saring yugto 'di mo agad makikita
Laging may simula at wakas ang istorya
Minsa'y nagpapaluha at nagpapasaya
Iba't ibang tema ang matutunghayan
At tunay ngang ang buhay natin ay ganyan
Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan
Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban
Mabubuhay tayo ito ay minsan lang
Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan
At hindi mo makikita kung ano ang dulo
Kung hindi mo susubukan bawat hamon sa 'yo
Parang pelikula kung minsan ay talo
Ngunit mayro'n namang kay dami ng gumugusto
Sadyang 'di mo alam ang bawat wakas
Araw ba ay sisikat sa pagdating ng bukas
Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan
Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban
Mabubuhay tayo ito ay minsan lang
Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan ('wag tatakasan)
Oh
Whoa
Sadyang 'di mo alam ang daang patutunguhan
Ang tama at dapat gawin ay laging lumaban
Mabubuhay tayo ito ay minsan lang
Ang hamon ng mundo ay 'wag tatakasan