Indak

Armi Millare

Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang atakihin
Ang pag-hinga'y nabibitin

Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo

At aasahan ko na lamang bang
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nanonood siya

Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Mag-papaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakaka-alam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pag-bibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig nya na totoo

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi nya lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasaya
Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at mag-sasaya
Habang nalulungkot ka

Ako'y Litong-lito
Tulungan niyo ako
Di ko na alam
Kung sino pang aking pagbibigyan oh

Ayoko na ng ganito
Ako ay litong-lito ohwooh

Curiosità sulla canzone Indak di Up Dharma Down

Quando è stata rilasciata la canzone “Indak” di Up Dharma Down?
La canzone Indak è stata rilasciata nel 2012, nell’album “Capacities”.
Chi ha composto la canzone “Indak” di di Up Dharma Down?
La canzone “Indak” di di Up Dharma Down è stata composta da Armi Millare.

Canzoni più popolari di Up Dharma Down

Altri artisti di Pop rock