Dakila Ka, Bayani Ka
Inalay mo ang buhay mo
Para sa kapwa tao
Mahirap man tuloy pa rin
Ang iyong laban
Iniwan ang tahanan
Upang paglingkuran ang bayan
Di alintana ang mapapala
Sa 'di makitang banta
Dakila ka
Bayani ka
Pinasan mo ang hirap para sa'yong bansa
Kayo ang aming yaman at karangalan
Ito'y aming isisigaw kahit saan
Dakila ka
Bayani ka
Pilipino ka
Dalangin ko sa'yo Ama
Ingatan mong lahat sila
Silang mga nag-aalaga't kumakalinga
Ano mang paniniwala
Ano mang kulay nila
Nagkakaisa (sa pagtulong)
Sa kaligtasan ng iba
Dakila ka
Bayani ka
Pinasan mo ang hirap para sa'yong bansa
Kayo ang aming yaman at karangalan
Ito'y aming isisigaw kahit saan
Dakila ka
Bayani ka
Pilipino ka
Isang umaga'y darating
Unos lilipas din
Taimtim na dalangin
Aming hiling para sa 'yo
Dakila ka bayani ka
Iwagayway ang bandila
Lakas at tapang mo
Ipinaglaban mo ang kaligtasan ng Pilipino
Sakripisyo dedikasyon sa trabaho
Di pinagkait sa mga tao
Dakila ka bayani ka
Pilipino kang totoo
Dakila ka (dakila ka)
Bayani ka (bayani ka)
Pinasan mo ang hirap para sa'yong bansa
Kayo ang aming yaman at karangalan
Ito'y aming isisigaw kahit saan (kahit saan)
Dakila ka (dakila ka)
Bayani ka (bayani ka)
Pilipino ka