Hindi Tayo Pwede

Carl Guevarra

Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo

Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
Di naniwala

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede wooh

Kay bigat na ng damdamin
Bakit di pa natin aminin
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban

Sabi ko na nga ba (sabi ko na nga ba)
Dapat no'ng una pa lamang (dapat no'ng una pa lamang)
Dina umasa
Di naniwala

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana (pinagtagpo pero 'di tinadhana)
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban (suko na sa laban)
Hindi tayo pwede

Hindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit hanggang dito na lang
Dito na lang

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Hindi tayo pwede

Curiosità sulla canzone Hindi Tayo Pwede di The Juans

Quando è stata rilasciata la canzone “Hindi Tayo Pwede” di The Juans?
La canzone Hindi Tayo Pwede è stata rilasciata nel 2018, nell’album “Umaga”.
Chi ha composto la canzone “Hindi Tayo Pwede” di di The Juans?
La canzone “Hindi Tayo Pwede” di di The Juans è stata composta da Carl Guevarra.

Canzoni più popolari di The Juans

Altri artisti di Pop rock