Makita Ka Muli [From "Ang Panday"]

Oh

Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
Sa'n man mapadpad ng hanging hindi
Magbabagong aking pagtingin

Pangako natin sa maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli

Puso'y nagdurusa nangungulila
Iniisip ka pag nag iisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli
Makita kang muli

Canzoni più popolari di Sugarfree

Altri artisti di Pop rock