Dramachine
Ayaw niya nang bumangon
Sa kama lang maghapon
Mukha nya'y parang langit na
Malapit nang umambon
Ayaw niya nang manalig sa tunay na pag-ibig
Bakit daw ba kay bilis mawala ng kilig
Habang bumabaha ng luha di na niya napupuna
Na mayron pang saysay ang buhay
Di niya lang napapansin
Umaandar ang kanyang dramachine
Dramachine
Ayaw niya nang mabuhay
Mundo'y wala ng kulay
Dahan-dahan puso nya'y bumibigay
Wag na raw siyang umasa
Wag nang mag-makaawa
Wala na siyang magagawa
Tapos na ang lahat
Habang bumabaha ng luha
Di na niya napupuna
Na mayron pang saysay ang buhay
Di niya lang napapansin
Umaandar ang kanyang dramachine
Dramachine dramachine
Lahat tayo'y nasasaktan
Minsan naiiwanan
Di alam kung bakit ba biglang nagkakaganyan
Pero wag kang magpapadala
Kung madapa bumangon ka
Buhay mo'y tuloy pa rin
Wag kang tumulad sa akin
Habang bumabaha ng luha
Di ko na napupuna
Na mayron pang saysay ang buhay
Hinding-hindi ko mapapansin
Kung umandar ang aking dramachine
Dramachine dramachine dramachine