Luhang Umaapaw

May tanong sayo bakit ganito di ko matanto kung tayo
Sa isipan ko nagkakagulo di nakikita malayo

Luhang umaapaw ng mag tanong
Parang sa isang iglap pangako mo naging bulong
Bakit narito ako’y nalilito di ko matanggap naglaho

At kung mahirap mang himukin ka ikaw ay di na pipilitin pa
‘Yong paglapit para san pa ba mahirap na mahirap na
Kung kailangan kong limutin na haplos ng tinig mong kumakanta
Tatanggapin ko ng pikit-mata mahirap na ulitin pa

May tanong sayo ano pang gusto di ko na alam kung pa’no
Mga sinabi mo nagkakagulo di nag tutugma malabo

Luhang umaapaw ng mga tanong
Ibig ng damdamin ko’y bihag pa rin ng yakap mo
Bakit ganito saan ba patungo 'di ko matanggap naglaho

At kung mahirap mang himukin ka ikaw ay di na pipilitin pa
‘Yong paglapit para san pa ba mahirap na mahirap na
Kung kailangan kong limutin na haplos ng tinig mong kumakanta
Tatanggapin ko ng pikit-mata mahirap na ulitin pa

At kung mahirap mang himukin ka ikaw ay di na pipilitin pa
‘Yong paglapit para san pa ba mahirap na mahirap na
Kung kailangan kong limutin na haplos ng tinig mong kumakanta
Tatanggapin ko ng pikit-mata mahirap na ulitin pa

Altri artisti di Pop rock