Sakto

Jazz Nicolas, Wally Acolola

Sakto at tumpak tayo'y magkatabi
Araw araw ay sabik sa yong ngiti
Simple lang ang kinis ng iyong pisngi
Paulit-ulit kang binabalik

Sablay na kung sablay diskarte ng bibig
Nasasamid sa hatak ng iyong titig
Kung di ka tunay wag na sanang magising
Sakto at di kulang ang iyong dating

Ikaw ang bida ng umaga ko
Pinawi ang lungkot' pagka bato
Hindi magbabago
Timpla ng araw ko
Saktong tinamaan na sa 'yo

Tuwing uwian di mo ba napapansin
May pabaon pa ako na huling tingin
Bitbit ang alaala mo sa pag idlip
Sana bukas na't naiinip

Ikaw ang bida ng umaga ko
Pinawi ang lungkot' pagka bato
Hindi magbabago
Timpla ng araw ko
Saktong tinamaan na sa 'yo

Sing tamis ng langit ang iyong halik
Sa yakap mo't haplos ako'y nananabik
Labis-labis lang pag 'yong nilalambing
Sakto at di kulang ang yong dating

Ikaw ang bida ng umaga ko
Pinawi ang lungkot' pagka bato
Hindi magbabago
Timpla ng araw ko
Di makawala, asintado
Saktong tinamaan na
Saktong tinamaan na
Saktong tinamaan na sa 'yo

Curiosità sulla canzone Sakto di Sitti

Chi ha composto la canzone “Sakto” di di Sitti?
La canzone “Sakto” di di Sitti è stata composta da Jazz Nicolas, Wally Acolola.

Canzoni più popolari di Sitti

Altri artisti di Bossa Nova