Lakas Tama - Panibagong Tama

Noel Palomo

Eto pakinggan nyo
Sobrang lakas ng tama ko
Wag n'yong pigilin 'to wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin

Eto pakinggan nyo
Sobrang lakas ng tama ko
Wag n'yong pigilin 'to wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin

Bulag ang pag-ibig kasabihan na sa atin
Ngunit para sa'yo ang pag-ibig ko ay duling
Pagkat dalawang beses ako sa'yo may pagtingin
Kay tindi ng 'yong dating sa puso't damdamin

Sa tunay kong pagmamahal natotorpe sa'yo
Mukhang pinasukan ng daga ang puso kong bato
Dahil alam ko rin walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala ang isang katulad mo

Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta
Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta

Di ko alam ang gagawin
Meron ako para akong mababaliw
Sa kakaisip mula gabi hanggang umaga
Mahal mo ba ako tamang hinala
Tamang duda napa-praning
Wag n'yo ng hintayin ang paningin ko magdilim
Kung hindi ka rin lang magiging sa'kin
Mabuti pang maglaho kasabay ng hangin

Mga kama'y ko ay nanginginig na sa iyo
Na makayakap ka sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi na sa'kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan ng matapos na ang gulo

Sa pagputi ba ng uwak mo ako sasagutin
Kung ang kulay ko nga ay kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang kung agad kang mahalin
Gan'to ako kung umibig medyo napa-praning

Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta
Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta

Eto pakinggan nyo
Sobrang lakas ng tama ko
Wag n'yong pigilin 'to wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin

Eto pakinggan nyo
Sobrang lakas ng tama ko
Wag n'yong pigilin 'to wag n'yong awatin
Baka biglang sumabog ang aking damdamin

Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta
Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta

Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta
Lakas-tama ako'y nawawala (ang lakas ng tama ko)
Nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta

Curiosità sulla canzone Lakas Tama - Panibagong Tama di Siakol

In quali album è stata rilasciata la canzone “Lakas Tama - Panibagong Tama” di Siakol?
Siakol ha rilasciato la canzone negli album “Kabilang Mundo” nel 2005 e “The Best of Siakol” nel 2008.
Chi ha composto la canzone “Lakas Tama - Panibagong Tama” di di Siakol?
La canzone “Lakas Tama - Panibagong Tama” di di Siakol è stata composta da Noel Palomo.

Canzoni più popolari di Siakol

Altri artisti di