Maria Flordeluna [From "Maria Flordeluna"]
Maria Flordeluna
Pag-ibig mo ang s'yang pag-asa
Maria Flordeluna
Malapit na ang 'yong umaga
Liwanag na walang hanggan
Makakamtan kailanpaman
Maria Flordeluna
Malapit nang umaga
Bawat gabing ika'y nag-iisa (nag-iisa)
Ang 'yong mga mata'y
Kusang lumuluha (lumuluha)
At kahit sa iyong pag-ngiti
Kalungkutan mo'y di maikukubli
Ganyan talaga ang magmahal
At di rin magtatagal
Lahat ng paghihirap mo'y mawawala 'ring ganap
Maria Flordeluna
Pag-ibig mo ang s'yang pag-asa
Maria Flordeluna
Malapit na ang 'yong umaga
Liwanag na walang hanggan
Makakamtan kailanpaman
Maria Flordeluna
Malapit nang umaga
Kung ang pag-ibig ay pagluha
Kalian mapapawi
Kung pag-ibig ay pagpaparaya
Kailan kaya liligaya
Maria Flordeluna
Pag-ibig mo ang s'yang pag-asa
Maria Flordeluna
Malapit na ang 'yong umaga
Liwanag na walang hanggan
Makakamtan kailanpaman
Maria Flordeluna
Malapit nang umaga
Maria Flordeluna
Malapit nang umaga