Sa Hirap At Ginhawa

George Canseco

Paano mailalarawan ang pag-ibig kong wagas
Maipipinta pa ang damdaming di magwawakas
Na bawat araw ay nagbabagong kulay lalong nabubuhay

Gaano karaming wika ang kakailanganin pa
Upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta
Damdaming kay ganda dahil sa naro'n ka
Laging sinasamba

Kulang ba ang mahalin kita magpakailang pa man
Kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggan
Lagi na ako'y kasama mo matinik mang daan
May sigla maging sa hirap at ginhawa man

Batid ko kalaban natin ang mundong mapang-api
Mananatili kang lakas ko araw at gabi
Dito sa 'king tabi walang ikukubli
Mahal kita kasi

Gaano karaming wika ang kakailanganin pa
Upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta
Damdaming kay ganda dahil sa naro'n ka
Laging sinasamba

Kulang ba ang mahalin kita magpakailan pa man
Kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggang
Lagi na ako'y kasama mo sa ano mang daan
May sigla maging sa hirap at ginhawa ay laan mahal kita
Maging sa hirap at ginhawa man

Curiosità sulla canzone Sa Hirap At Ginhawa di Sharon Cuneta

Quando è stata rilasciata la canzone “Sa Hirap At Ginhawa” di Sharon Cuneta?
La canzone Sa Hirap At Ginhawa è stata rilasciata nel 1994, nell’album “Special Collector’s Edition: Sana’y Wala Nang Wakas”.
Chi ha composto la canzone “Sa Hirap At Ginhawa” di di Sharon Cuneta?
La canzone “Sa Hirap At Ginhawa” di di Sharon Cuneta è stata composta da George Canseco.

Canzoni più popolari di Sharon Cuneta

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)