Nandito Ako

Aaron Paul Del Rosario

Mayroon akong nais malaman
Maaari bang magtanong
Alam mo bang matagal na kitang iniibig
Matagal na 'kong naghihintay

Nguni't mayroon kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y 'di mo napapansin
Nguni't ganoon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa 'yo

Nandito ako umiibig sa 'yo (nandito ako umiibig sa 'yo)
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
huwag kang mag-alala (huwag mag-alala )
May nagmamahal sa 'yo (may nagmamahal sa 'yo)
Nandito ako (nandito ako)

Kung ako ay iyong iibigin
'Di kailangan ang mangamba
Pagka't ako ay para mong alipin
Sa 'yo lang wala nang iba
Nguni't mayroon kang ibang minamahal
Kung kaya't ako'y 'di mo pinapansin
Nguni't ganoon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa 'yo

Nandito ako umiibig sa 'yo (nandito ako umiibig sa 'yo)
Kahit na nagdurugo ang puso (kahit na nagdurugo ang puso)
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala (huwag mag-alala)
May nagmamahal sa 'yo
Nandito ako

Hanggang kailan ako sa 'yo maghihintay
Upang pa-ibig ko sa 'yo ay iaalay
Malaman mo sana na habang buhay
Nandito ako oh oh

Nandito ako umiibig sa 'yo
Kahit na nagdurugo ang puso (kahit na nagdurugo ang puso)

Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa 'yo
Huwag kang mag alala
May nagmamahal sa 'yo
Nandito ako oh

Nandito ako

Curiosità sulla canzone Nandito Ako di Sharon Cuneta

Quando è stata rilasciata la canzone “Nandito Ako” di Sharon Cuneta?
La canzone Nandito Ako è stata rilasciata nel 2008, nell’album “Sharon Sings Alcasid”.
Chi ha composto la canzone “Nandito Ako” di di Sharon Cuneta?
La canzone “Nandito Ako” di di Sharon Cuneta è stata composta da Aaron Paul Del Rosario.

Canzoni più popolari di Sharon Cuneta

Altri artisti di Middle of the Road (MOR)