Misteryo

Yumi Lacsamana, Thyro Alfaro, Sarah Geronimo

Di na mahanap ang kasagutan natutuliro ang isip
Binabagabag ng katanungan ng mapagbirong pag-ibig
May ibig sabihin ba kung parang kayo
Pero wala lang ano bang kaugnayan
Sino bang di mahihirapan
Pag-ibig na kay alap wala kang katiyakan

Teka muna para bang akdang baybayin
Teka muna na di ko magawang basahin

Naririto nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ito'y palaisipang misteryo

Sino bang dapat sisihin
Marahil mali rin na mahulog
Sino bang may sabing isipin kita
Sa paggising hanggang pagtulog
Di ko batid kung kasalanang bigyang kahulugan
Ang tamis na naranasan
Kaya ngayon ay nangangapa lang
Kung may mapapala o hanggang dito na lamang

Teka muna para bang akdang baybayin
Teka muna na di ko magawang basahin

Naririto nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso
Ito'y palaisipang misteryo

Parang talinhagang hindi ko mabatid
Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
Kahit na pilitin ko
Gulung-gulo ang isip ko
Ito'y palaisipang misteryo oh

Naririto nalilito
Ano nga bang nais ipahiwatig
Naririto nalilito (naririto nalilito)
Dapat bang sumuko o manalig (dapat bang sumuko o)
Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso oh
Ito'y palaisipang misteryo oh

Pag-ibig ay sadyang
May nakakabit na
Mala-palaisipang misteryo wohooh

Isang misteryo

Curiosità sulla canzone Misteryo di Sarah Geronimo

Quando è stata rilasciata la canzone “Misteryo” di Sarah Geronimo?
La canzone Misteryo è stata rilasciata nel 2015, nell’album “The Great Unknown”.
Chi ha composto la canzone “Misteryo” di di Sarah Geronimo?
La canzone “Misteryo” di di Sarah Geronimo è stata composta da Yumi Lacsamana, Thyro Alfaro, Sarah Geronimo.

Canzoni più popolari di Sarah Geronimo

Altri artisti di Pop