Misteryo [Live]

'Di na mahanap ang kasagutan
Natutuliro ang isip
Binabagabag ng katanungan
Ng mapagbirong pag-ibig
May ibig sabihin ba kung parang kayo
Pero wala lang ano bang kaugnayan

Sino bang 'di mahihirapan
Pag-ibig na kay alap wala kang katiyakan

Teka muna
Para bang akdang baybayin
Teka muna
Na 'di ko magawang basahin

Naririto nalilito
Ano nga bang nais pahiwatig
Naririto nalilito
Dapat bang sumuko o manalig
Tunay o laro man 'to
Ay umaasa ang puso oh
Ito'y palaisipang misteryo oh hm (iyo iyo iyo iyo)

Sino bang dapat sisihin marahil mali rin na mahulog
Sino bang may sabing isipin kita
Sa paggising hanggang pagtulog
'Di ko batid kung kasalanang bigyang-kahulugan
Ang tamis na naranasan
Kaya ngayon ay nangangapa lang
Kung may mapapala o hanggang dito na lamang hm (teka muna)
Para bang akdang baybayin (teka muna)
Na 'di ko magawang basahin

Naririto nalilito
Ano nga bang nais pahiwatig
Naririto nalilito
Dapat bang sumuko o manalig

Tunay o laro man 'to
Ay umaasa ang puso (oh)
Oh ito'y palaisipang misteryo

Parang talinhagang hindi ko mabatid
Para bang hiwagang kagitlahanan ang hatid
Kahit na pilitin ko
Gulong-gulo ang isip ko oh
Ito'y palaisipang misteryo oh

Naririto nalilito
Ano nga bang nais pahiwatig
Naririto nalilito (naririto nalilito)
Dapat bang sumuko o manalig (dapat bang sumuko)

Tunay o laro man 'to ay umaasa ang puso oh (oh)
Oh ito'y palaisipang misteryo oh (iyo iyo iyo iyo iyo iyo iyo iyo)

Canzoni più popolari di Sarah Geronimo

Altri artisti di Pop