Kung Siya Ang Mahal

Vehnee Saturno

Bakit ba kailangan pang
Damdamin ay ilihim mo sa akin na may iba
Kung di mo na ako mahal
Tatanggapin kong siya ang nasa puso
Pagbibigyan kita

Kung siya ang iyong mahal
Aminin mo nang malaman
Nang di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang iyong mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Di ko inaasahan na
Damdamin mo sa akin magbabago
May kulang ba
Sadyang hindi pa ba sapat
Lahat pati na ang aking pag-ibig
Sa iyo ay binigay ko na

Kung siya ang iyong mahal
Aminin mo nang malaman
Nang di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang iyong mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Paano kaya lilimutin ang sa ating nagdaang kahapon
Alam ko naman kung minsa'y hindi nagtatagal
Ang isang pagmamahalan
Katulad ng pag-ibig mo

Kung siya ang iyong mahal
Aminin mo nang malaman
Nang di ako nagtatanong
Kung sino ang higit na kailangan
Kung siya ang iyong mahal
Ay hahayaan kong ikaw ay di ko na makikita
Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Sa akin ay mabuti pa ang mag-isa

Curiosità sulla canzone Kung Siya Ang Mahal di Sarah Geronimo

Quando è stata rilasciata la canzone “Kung Siya Ang Mahal” di Sarah Geronimo?
La canzone Kung Siya Ang Mahal è stata rilasciata nel 2011, nell’album “One Heart”.
Chi ha composto la canzone “Kung Siya Ang Mahal” di di Sarah Geronimo?
La canzone “Kung Siya Ang Mahal” di di Sarah Geronimo è stata composta da Vehnee Saturno.

Canzoni più popolari di Sarah Geronimo

Altri artisti di Pop